HOPC meeting isinagawa sa Basilan

Nagsagawa ng Honest, Orderly, Peaceful and Credible (HOPC) Election Meeting ang pamunuan ng 18th Infantry (Deo Et Patria) Battalion kasama ang DepEd District Supervisors, Election Officers, DILG, PNP, religious leaders, 74th Infantry Battalion, at 4th Special Forces Battalion, at mga opisyal ng Ungkaya Pukan, Tipo-Tipo, Al-Barka, at sa himpilan ng 18IB kahapon, ika-11 ng Abril.

Layunin ng nasabing aktibidad na masiguro na magiging mapayapa at maayos ang gagawing halalan.

Iminungkahi ng mga kasapi ang kanilang mga idea kung paano mas mapadali at mas organisado ang pagboto, paano mas mababantayan ang karapatan ng mga botante sa pagpili ng kandidato, at paano mapangalagaan ang demokrasya. Binigyang solusyon din ang mga posibleng problema sa seguridad, management, logistics, at iba pang pangangailangan sa halalan.

Maliban dito, pinag-usapan din na magtatayo ng tents, priority lanes, at maglalagay ng mga medical teams.

Pagkatapos ng pagprisinta ng mga plano, masayang pinagsaluhan ang inihandang pagkain ng pamunuan bilang pasasalamat sa isang matagumpay na aktibidad.

Sa pangkalahatan, ang mga Election Officers ay lubos na natuwa sa programa at sa kooperasyong ipinakita ng mga ahensya ng gobyerno tungo sa maayos at mapayapang eleksyon. Nagpasalamat naman ang pamunuan ng 18IB sa pagiging responsable ng mga kinauukulan na maging tulay sa tunay na seguridad, magandang pamamalakad, at kaunlaran sa mga lugar.

Leave a Reply