Mga Magigiting na sundalo ng Command pinarangalan ng WestMinCom

Kasabay sa pagsilong ng Watawat ng Pilipinas noong Biyernes ng hapon (ika-23 ng Nobyembre, 2018) isang parangal ang iginawad ng Western Mindanao Command para sa mga magreretirong sundalo na sina Master Sergeant Henry E. Jose Philippine Navy (Marines) at Master Sergeant Epinito R. Halasan Jr Philippine Army para sa kanilang mahigit tatlumpung taong tapat na serbisyo sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Si MSg Jose tapat at nanungkulan bilang isang sundalong marino sa loob ng 35 taon, 6 buwan, at 23 araw habang si MSg Halasan ay naglingkod ng 32 taon, 2 buwan, at 25 araw bilang kasapi ng magigiting na sundalo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.

Silang dalawa ay ginawaran ng Military Merit Medal at Plaque of Appreciation bilang pasasalamat at pagpupugay sa kanilang huwarang serbisyo.

“Ang buong Team WestMinCom ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng naiambag niyo sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at nawa’y masiyahan kayo sa inyong buhay sibilyan,” mensahe ni Tenyente Heneral Arnel B. Dela Vega.

“Saludo kami sa inyo at Mabuhay po kayo,” dagdag niya.

Leave a Reply